“Ano naman kasing sinabi mo sa kanya? Ha?”
Nakayuko pa ako nun at hindi ko maipakita ang mukha ko. Hiyang-hiya ako at inis na inis na rin ako sa nangyari.
“S-sabi ko, kapag hindi niya ako pinakopya ng sagot,” mahinang paliwanag ko naman sa kaibigan ko, “eh hindi ko na siya crush.”
Malakas na paghampas sa ulo ko ang ginawa ni Angela. Nagulo pa yung buhok ko sa paghampas niya.
“Eh gaga ka naman pala! Ikaw na nga lang mangongopa, nagmamalaki ka pa?” madiin na pagkakasabi niya sa akin, “Ano namang sinagot niya?”
“A-ano eh..” umiyak ako ng pagkalakas-lakas na parang batang gustong maglumpasay doon, “S-sabi niya ayaw daw niya sa mga babaeng bobo na nga, panget pa!” nagmalungkot ako doon kay Angela, “Pinagsigawan pa niya sa lahat!”
Isa na siguro iyon sa pinakasinusumpang araw ko nung high school ako. Yun ay yung napahiya talaga ako doon sa crush ko. Si Vincent Marasigan. Running valedictorian namin.
Sino ba namang hindi magkakagusto doon? Gwapo na nga, matalino pa. Yun nga lang, medyo may pagkamayabang. Parang may phobia yata sa mga babaeng hindi matalino. Tapos ako, talagang turn down agad. Crush mo na nga, pinahiya ka pa sa lahat.
Narinig mo na ba yung laging sinasabi ng mga hopeless romantics? Yung, “Hindi ba pwedeng mahal mo ko, mahal kita, at bahala na lang sila?” Ang saya sana kung ganun kadali eh no? Kaso minsan kahit anong hiling mo na ganun dapat ang mangyari eh hindi mangyari-yari. Mas madalas na lumalabas na sitwasyon eh, “Mahal kita, mahal mo siya, at siya naman eh may mahal na iba.”
Nakakainis lang ‘di ba? Kasi malamang lang yang si Vincent, may nagugustuhan na yan na babae na matalino eh. Hindi lang umaamin.
Ewan ko ba kung bakit nago-OA ako dito mag-isa. May pa mahal-mahal pa akong nalalaman eh alam ko naman na crush ko lang naman yung bwiset na Vincent na iyon. Sinayang ko lang ang tatlong taon at kalahati na pagpapapansin ko sa kanya. Sinungitan na nga ako, tinawag pa ako na bobo at panget! Kapal talaga.
Eto pa ang masaklap. Nung sumunod na araw nung mangyari yung pamamahiya niya sa akin eh malaman-laman ko lang na nai-YouTube pa ng kung sino yung pagpapahiya sa akin ni Vincent. Naging katatawanan pa tuloy ako lalo sa school. Ako na ang tinaguriang panget at bobong babae ng school—instant stardom.
Nung makita ko na kumakalat yun matapos mai-send sa akin yung link, inaksyunan ko na kaagad. Sinugod ko si Vincent. Malamang lang, siya naman ang may kasalanan nun. Ipahiya ba naman ako.
“Hoy Vincent!” itinulak ko naman siya ng malakas kaya nagulat naman siya, “Bawiin mo! Bawiin mo yung sinabi mo sa akin kahapon!”
Mukhang nagtataka naman siya sa akin. Tinignan lang niya ako tapos dumiretso na siya uli ng lakad. Aba, hindi pa ako pinansin?
Itinulak ko uli siya sa likod niya.
“Sabi ko, bawiin mo! Hindi ako bobo at hindi ako panget! Yabang mo ah! Porke ba…” tinignan ko naman siya nun mula ulo hanggang paa. Nakatitig lang siya sa akin kaya nawawala naman ako sa sarili ko, “pogi at matalino ka… magyayabang ka na?”
Lumapit naman siya sa akin. Humawak siya sa baba ko pero para asarin lang ako.
“Eh kung ayaw kong bawiin? Anong gagawin mo?”
Oo nga naman. Ano nga namang gagawin ko kapag hindi niya binawi ‘di ba? Parang wala namang mangyayari sa kanya.
Nagdire-diretso na siya uli ng lakad. Ako naman eh hindi ko na siya hinabol. Hindi ko alam kung ano ba itong pumasok sa isip ko na sugurin siya. Tanga nga yata talaga ako.
“Charity! Charity na lang!” isinigaw ko doon sa hallway kaya napahinto siya habang hindi tumitingin sa akin, “Charity! Hindi ba kailangan mo ng community service hours para doon sa scholarship na ina-applyan mo? Ako! Ako na lang ang gawing mong charity!”
Saka lang siya humarap uli sa isinigaw ko. Ano na namang katangahan itong sinasabi ko?
“I-tutor mo ako! Bobo na o tanga, i-tutor mo ako! Kailangan kong pumasa para grumaduate pero kailangan ko ng tulong.” sumimangot naman ako ng konti sa kanya, “S-saka, kailangan kong alisin yung reputasyon ko na bobo at panget.”
Lumakad naman siya pabalik kung saan ako nakatayo. Sa sobrang bilis ng paglalakad niya, akala ko sinusugod niya ako. Bigla siyang huminto sa harapan ko.
“Sige, sabihin na lang nating tutulungan kita,” pinagtaasan pa niya ako ng boses niya, “Maaalis nga yung reputasyon mo ng bobo kapag tumaas yung grades mo, pero hindi naman mafi-fix ang kapangitan ‘di ba?”
Ang sarap talaga suntukin nito. Naging crush ko talaga ‘to? Ang sama ng ugali.
Bago pa ako nakasagot, tumalikod na uli siya sabay sabing, “Bukas ng hapon ng uwian pumunta ka sa library. Kapag ikaw na-late, lagot ka sa akin.”
Aba! Ibig sabihin ba nun eh payag siyang i-tutor ako? Yes naman!
May tatlong linggo na lang kami bago ang periodical test namin. Hindi ko alam kung paano ko mapapasa yung mga klase ko. Palakol pa man din lahat ng grades ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinanganak na matalino. Hindi na nga matalino, hindi pa daw maganda. Pinaka-nakakainis na kumbinasyon.
Hindi na nga ako nagpatumpik-tumpik pa. Kahit na nakakahiya, kinapalan ko na rin yung mukha ko. Nagpunta nga ako doon sa library nung sumunod na araw at pinuntahan ko nga itong si Vincent. Ayun, may isang salita din naman pala ang mokong at hinihintay ako. Talagang gusto rin niyang makuha talaga yung community service hours. Kaya rin pala library ang pinili niya eh para may witness daw sa hours niya. Yung librarian ang pipirma doon sa document niya.
Tinuruan naman niya ako. As usual, sa simula pa lang eh hindi ko na alam ang ginagawa ko. Parang gustong sumakit ng ulo ni Vincent nun. Hindi siya siguro makapaniwala na ganun na lang karami yung hindi ko alam.
“Talaga bang wala kang alam dito? Paano ka pumasa sa mga nakaraang exam?” tanong niya sa akin.
“Hindi nga ako pumapasa, kaya ko nga kailangang ipasa itong huling exams para maka-graduate. Kulit mo eh! Pinapamukha mo pa na hindi na nga ako matalino eh. Akala ko ba matalas memory mo? Paulit-ulit ka ah.”
Sinimangutan naman niya ako.
“Pa-cheering-cheering ka pa kasing nalalaman eh hindi mo naman pala kaya ang school. Mag extra-curricular ka lang kung may karapatan kang umalis sa klase.” Tinapik-tapik niya yung workbook sa harapan ko, “Dali na! Focus!”
Sa inaraw-araw na pag-aaral namin doon at pagtu-tutor niya sa akin, ganun pa rin siya lagi. Sobrang yabang, seryoso, pero tatahi-tahimik. Minsan kapag nagsasagot ako doon at tinitignan ko siya, mukhang okay din naman siya. Kahit ilang sigaw na ang natamo ko sa kakamali ko ng sagot sa mga pinapagawa niya, pinagtiyagaan pa rin niya ako.
Para lang din akong bata na binibigyan niya ng star na stickers kapag may tama akong ginagawa. Kaya nga lang, dinidikit niya lagi sa noo ko. Sabi niya sa akin kailangan dumami ng dumami yung stars ko at saka ko lang malalaman na ready na ako sa exam.
May mga ilan-ilang mga honor student na minsan eh lapit ng lapit doon sa amin. Panay ang tanong nila kay Vincent ng kung anu-ano. Minsan nga parang napapansin ko na nagtatanong lang sila para makausap si Vincent, tapos kapag hindi siya nakatingin eh inaasar nila ako ng ‘Bobo-Panget’ na kanta na pang-asar sa akin. Iba na talaga kapag sikat.
“Ayan na,” sabi ni Vincent doon sa isang honor student na babae na may tinatanong sa kanya, “Sa susunod, kung alam mo na ang sagot, huwag mo ng sayangin ang oras ko para tanungin pa ako.” Ibinalik niya yung tingin niya sa akin, “Ikaw naman, sinabi ko bang magpahinga ka? Sagutan mo na.”
Dinilaan ko yung babae at halata mong asar na asar siya sa akin.
Dahil nga focus na focus ako doon sa pag-aaral ko, marami na rin akong na-miss na cheerleading practice. Pati yung mga kasamahan ko nun eh sinusundo na ako after school sa library dahil nalaman nila na doon na ako nagtatambay. Nung isang araw habang may tutorial session kami ni Vincent, dalawa sa ka-cheerleading ko ang lumapit sa table namin para kausapin ako.
“Aila, ayaw mo na talagang mag-cheering?” tanong nung isa kong kasamahan, “Hindi ka na ba babalik?”
Tinignan ko si Vincent nun. Nagbabasa siya doon ng manga sa kinauupuan niya at hindi naman nakialam sa usapan namin.
“Hindi na muna. Kailangan kong mag-aral eh. Exam na bukas ‘di ba?” sabi ko naman doon sa kanila.
“Eh paano na yung pangarap mo ha? ‘Di ba gusto mong mapanalunan yung Cheerleader of the Year na award kagaya nung sa Mama mo nung nabubuhay pa siya?” humawak naman siya doon sa balikat ko, “Last chance mo na sana ito. Pa-graduate na tayo.”
Napakunut-noo ako. Napayuko na lang akong bigla doon sa sinusulatan ko na workbook.
“Siguro nga hindi na ako mananalo.”
Nagpaalam na yung dalawa kong kasamahan at umalis na sila sa library. Nung pabalik na ako doon sa sinasagutan ko, saka ko lang napansin na nakatingin din si Vincent doon at hindi ko alam na nakikinig pala siya doon sa usapan namin. Tinignan lang niya ako, pero wala naman siyang sinabi sa akin.
Dumating din naman yung examination week. Siyempre naman, sinubukan kong galingan sa lahat ng exam ko. Sa sobrang dami nung mga tanong na nailagay kada-isang subject, saka ko naririnig yung boses ni Vincent doon sa utak ko. Sinisigawan niya ako sa bawat maling sagot ko. Parang habang nage-exam ako, parang nandun siya na sinasabi sa akin yung sagot.
Nilingon ko naman siya sa direksiyon niya sa room habang nagsasagot. Nakatingin siya sa akin at parang nagagalit pa na sinasabi niya na bumalik ako doon sa exam. Worried yata yun na hindi ako papasa. Aba, ang reputasyon naman niya ang masisira as a tutor. Kapag hindi ako pumasa, hindi siya effective.
Hindi rin naman nagtagal, natapos na rin ang pasanin ng exams. Matagal-tagal din bago na-check ng mga teachers namin yung mga test papers namin. Ninenerbiyos pa ako nun dahil baka hindi ako makagraduate, at kung sinuswerte-swerte ka nga naman, pumasa ako.
Sa sobrang saya ko, hawak-hawak ko pa yung test paper ko at hinanap ko si Vincent. Nasa hallway na naman siya naglalakad at hinabol ko naman siya. Nagulat pa siya nung naabutan ko siya. Nagtatatalon-talon ako sa tuwa sa harapan niya.
“Anong ginaagawa mo?” tanong niya sa akin na habang naiirita pa, “Alis ka nga diyan sa daan. Hinaharangan mo naman ako eh.”
Tumalon-talon pa rin ako nun. Wala akong pakialam sa sinabi niya.
“Pumasa ako Vincent! Pumasa ako!” talon pa rin ako ng talon, “Hindi ako bobo! Hindi ako bobo!”
Kinuha niya yung test paper ko at tinitigan niya yung score ko. Dahil sa sobrang saya ko, parang nasalin din sa kanya ng konti yung pagkasaya ko kasi for the first time, ngumiti din itong mokong na ito.
“Congratulations. Hindi ka pala bobo.” sagot niya sa akin, “Pero kagaya ng sinabi ko, hindi nafi-fix ang panget.”
Inambaan ko naman siya na para bang susuntukin ko siya. Tingnan mo ito maka-ruin ng moment.
“Yabang nito oh!” tinuro ko naman siya, “Ay naku, panget na kung panget! Akala mo naman kung sino itong pogi na ito!” sabi ko naman sa kanya, “Huwag ka, mamimiss mo rin yung afternoon tutorial sessions natin. Kung hindi naman dahil sa akin, kulang ang hours mo no!”
Inaasar-asar ko pa si Vincent nun. Saka ko lang napansin na naglalakad pala siya papuntang library kaya sinundan-sundan ko pa siya. Nandun din yung librarian na nginitian lang siya nung pumasok kami. Nakabuntot pa rin ako sa kanya nun habang may inaabot sa kanya na papel.
“Natanggap mo na ba yung sulat sa iyo ng scholarship committee?” tanong nung librarian sa kanya, “Balita ko eh nakuha mo daw yng scholarship.”
Tumango naman itong Vincent doon sa librarian.
Para naman masulit ko ang moment, nakisabat din naman ako.
“Ilang hours po ba ang naitulong ko para mapanalunan niya yung scholarship na yan?” tinuro ko yung papel na hawak ni Vincent, “’Di ba community service hours po na nagturo siya sa akin?”
Medyo nalito naman yung librarian. Ito namang si Vincent eh bigla na lang umalis at naupo doon sa table kung saan kami laging nauupo. Iniwan ako doon sa tapat nung librarian.
“Ha? Anong sinasabi mo hija?” itinanong naman niya sa akin, “Last year pa niya nakumpleto yung hours niya para sa community service. Wala na siyang kailangan this year.”
Saka ako napatingin bigla kay Vincent nun. Kung last year pa niya tapos yung community service niya eh ‘di…
Naglakad naman ako papunta doon kung saan siya nakaupo. Hindi na naman ako pinapansin. Yan tuloy, feeling ko ang tanga ko na naman. Akala ko naman may kapalit yung ginawa niya sa akin, yun pala talagang tinulungan lang niya ako.
“Hoy…” kinalabit ko naman siya doon sa kamay niya, “Thank you ha. Hindi ko naman kasi alam.”
Tumingin naman siya sa akin.
“Sorry din. Tungkol doon sa panglalait ko sa cheerleading mo.” Sagot niya sa akin, “Hindi ko naman alam na may kinalaman pala iyon sa nanay mo.”
Tumango lang ako. Aba, ang yabang at sungit marunong din palang mag-sorry.
“Wow bumabait ka na ah!” inasar ko naman siyang bigla, “So ano na? Babawiin mo na ba yung sinabi mo sa akin? Na bobo at panget ako?”
Nag-lean naman siya doon sa table at inilapit niya yung mukha niya sa akin.
“Hindi ka naman talaga bobo eh, hindi ka lang talaga nag-try.” Tumitig siya sa akin kaya medyo nailang naman ako, “At ang kapangitan o kagandahan, perception lang yan ng tao. Hindi sa lahat ng oras ganun lagi ang tingin nila sa iyo. Nagbabago.”
“So nagbago na ba? Panget pa rin ba ako?”
“Panget ang perception ko sa iyo nun dahil sa overall package mo. Wala kang motivation, at wala ka ring masyadong direksiyon sa buhay mo. Sa akin, panget ang babaeng ganun. Hindi ko sinabing looks lang ang basehan ko ng panget.”
Nanahimik naman ako sa kanya habang nakikinig ako. Ganun pala yun?
“Kaya siguro kung hindi kita kilala at pumasok ka dito sa library ngayon,” tinuro niya yung pintuan ng library, “with those grades at ganyang attitude, kakausapin talaga kita.”
Napatayo naman akong bigla doon sa pagkakaupo ko.
“Teka lang Vincent ha?”
Tumakbo ako doon sa pintuan at dinala-dala ko yung test paper ko. Lumabas naman ako at naghintay ako ng konti sa labas. Nagtataka siguro si Vincent kung anong ginagawa ko doon.
Saglit lang, pumasok uli ako. Nakita ko na natawa siya sa ginawa ko.
Bigla naman siyang tumayo at sinalubong ako doon sa pintuan. Huminto siya sa harapan ko at ini-extend niya yung kamay niya.
“Miss, pwedeng makipagkilala? Marami na akong narinig tungkol sa iyo dito sa school na ito eh.”
Tinignan ko naman siya. Hindi ko alam kung aasarin na naman niya ako doon sa YouTube video na kumalat. Nagri-ring na namaan sa tenga ko yung kanta doon sa viceo na, ‘Bobo-Panget, Bobo-Panget.”
“Ano naman yung narinig mo?” itinaas ko naman yung kilay ko.
Ngumiti siya sa akin at kinamayan ako.
“Narinig ko na may gusto daw sa iyo si Vincent Marasigan. Usap-usapan, tatanungin ka daw niya kung pwede daw bang manligaw.” Nginitian naman niya ako, “Anong isasagot mo?”