No one ever writes about me. The ugly stepsister.
Yaduh..yaduh… when the shoe fits—happily ever after na. Tapos na dapat doon yung istorya. Nahanap ng prinsipe si Cinderella tapos lahat ang saya-saya.
Pero nandito pa ako. Paano ako? Wala bang nagtataka kung anong kasunod pagkatapos ng happily-ever-after na yan? Sinubukan ko din naman yung sapatos ‘di ba? Yun nga lang hindi nagkasya. Hindi ako. Hindi ako yung nararapat para sa kanya.
Pinili nung lalaking matagal ko ng gusto yung bestfriend ko. Sa kanya sumuot yung sapatos at hindi sa akin. Kaya nga siguro nung nagsama sila, tumalikod na lang ako at nagsimula na akong lumayo na.
Ako yung ugly stepsister sa eksena. Walang may pakialam kung ako ay may istorya. Wala namang nagsusulat tungkol doon ‘di ba?
Bakit? Bakit pa?
“Psst!” narinig ko na may tumatawag, “Hoy!”
Napalingon naman akong bigla. Narinig ko yung boses na tumatawag pero hindi ko alam kung saan nanggaling. Wala namang tao doon sa likuran ko. Kung kailan naman ako nagmamadali na umalis doon sa may view ng stage sa field ng school namin kung saan nag-confess ng feelings yung lalaking gusto ko doon sa bestfriend ko, saka pa may istorbo na tumatawag sa akin.
Gusto pa yata nitong makakita kung paano umiyak yung forgotten ugly stepsister eh. Saka mo na lang ako istorbohin tsong.
Lumakad pa rin ako ng deretso papunta doon sa labasan ng gate. Kaya lang ayun na naman, narinig ko na naman yung pamilya na “Psst!” kaya napahinto uli ako. Panay ang lingon ko kung saan-saan at hindi ko malaman kung sino ba yung nang-iistorbo sa akin.
Pagkabaling ko uli ng ulo ko sa harapan, saka may taong tumalon na parang bumagsak doon sa puno mula sa gate. May tao pala doon sa taas.
“Susmaryosep!” napasigaw na lang akong bigla sa sobrang gulat ko, “Bakit ka naman nanggugulat?” tanong ko sa kanya sabay hawak ko as dibdib ko.
Pinagpag nung lalaki yung pantalon niya. Medyo namuti ng kaunti yung suot niyang uniform ng dahil siguro doon sa alikabok sa puno na inakyatan niya.
Teka nga, sino ba itong mala-tsonggong ito na umaakyat pa sa puno?
“No way…” narinig ko na sinabi niya ng mabilis, “Another one?”
Tinaasan ko siya ng kilay ko. Ano bang pinagsasasabi nito? Sinasayang na naman niya yung oras ko eh. Wala akong panahon makipaglokohan sa isang tao na hindi ko naman kilala.
Lalakad na sana ako dahil baka nagkamali lang siya ng hinarang na babae kaya lang nag-step siya sa gilid para harangan ako sa pag-alis ko. Aba tignan mo ito, ang tigas ng ulo.
“Hoy, padaanin mo nga ako!” sabi ko ng malakas sa kanya dahil naasar na ako, “Bakit ba namemerwisyo ka ng tao?”
Kanina ko pa pinipigilan yung pag-iyak ko sa nakita ko na confession nung crush ko sa bestfriend ko. Hindi ko tuloy matuloy-tuloy yung mga luha ko dahil dito sa taong kaharap ko.
“Isa ka na naman sa na-heartbroken ng dahil kay Shane Rivera no?” tinanong niya sa akin tapos tumingin siya sa gilid na parang nagbibilang, “Eight. Eight na this month.”
Napatulala lang ako sa kanya. Tumingala pa ako ng konti dahil medyo mas matangkad siya sa akin. Medyo mahaba yung buhok niya malapit sa mata niya at napansin ko na may isa siyang stud earring sa isa niyang tenga.
Nung nagbibilang siya eh napansin ko na may tatlo siyang singsing. Tig-isa yung parehas na hintuturo ng kamay niya at may isa siya sa pinky finger niya sa kaliwang kamay.
“Tsong naman, nababaliw ka na ba?” tinuro ko naman siya bigla-bigla, “Malay ko kung anong binibilang-bilang mo pero kailangan ko na lumabas ng school… okay? May pa heartbroken-heartbroken ka pang nalalaman diyan eh.”
Sinubukan kong lagpasan siya. Ni-hindi man lang niya ako hinarangan this time kaya lang napahinto na lang ako bigla-bigla doon sa sumunod na sinabi niya. Hindi ko yata ineexpect yun.
“I can help you find your guy,” sinabi niya sa akin, “I’ve helped seven. You’re the eighth.”
Napalingon ako sa kanya ng de-oras. Aba! Feeling naman nito si cupid siya? Anong drama niya at nakikialam na naman siya sa business ng ibang tao?
“Hoy Mr. Feeling Cupid,” madiin ko na sinabi sa kanya, “Hindi ko kailangan ng tulong mo no? Isa pa, sino namang maysabi na heartbroken ako? Lalabas nga lang ako kung makapag-assume ka diyan…”
Natawa naman siya sa akin bigla. Yung tawa ba na parang sinasadya niya talaga na asarin ako.
“Miss naman maglolokohan pa ba tayo?” sagot niya sa akin bigla, “Kulang na lang humagulgol ka sa harapan ko.” sinubukan niyang yumuko ng konti para tignan yung mga mata ko, “Actually I’m impressed hindi ka pa umiiyak.”
Hindi tuloy ako makasagot sa kanya. Nakakainis man siya o hindi, totoo naman yung sinasabi niya. Totoong heartbroken ako dahil yung prinsipe ko eh iba ang Cinderella. Totoo rin na kulang na lang eh umiyak ako. At totoo rin na nakikipaglokohan lang ako dito sa taong kaharap ko.
“Sage nga pala,” ini-extend niya yung kamay niya para makipagkilala sa akin, “Tutulungan kita hanapin yung para sa iyo.”
Gumilid naman ako ng konti at napaupo ako doon sa bench. Nagsimula ng tumulo yung luha ko dahil hindi ko na mapigilan. Parang mas matatanggap ko pa na yung prinsipe na nagustuhan ko eh sa iba na lang nagkagusto. Bakit sa bestfriend ko pa.
“Chynna,” sagot ko naman sa kanya, “Yung ugly stepsister ng istorya na ‘to.”
Turn naman mapahinto nung kausap ko. Mukhang nagulat din siya sa sinabi ko.
“Ugly stepsister?” inulit pa niya yung sinabi ko.
“Oo. Ugly stepsister.” Tinuro ko yung sarili ko, “Sinubukan ko naman isuot yung sapatos, hindi nga lang kumasya yung dala ni Shane sa akin. Sa bestfriend ko pa nagkasya na parang kapatid ko na.”
“Ahh… I see.” Tinapik-tapik niya ako sa balikat ko, “It’s okay. Kayang-kaya natin yan.”
Nilingon ko naman siya at binigyan ko siya ng masamang tingin. Oo na, sabihin na natin na tumutulong itong isa na ito sa mga babae. Pero bakit? Hindi ba ang weird naman nun?
Bigla na lang siyang sumusulpot para tulungan ang mga heartbroken?
“Eh ikaw,” sinabi ko naman sa kanya, “Ano namang catch kung bakit tumutulong ka sa mga, ‘heartbroken’ ba?”
Tinaas naman niya yung dalawang balikat niya.
“Wala lang.” sagot niya ng mabilis, “Ayoko lang may nakikita na heartbroken.”
Ngumiti ng paglaki-laki itong lalaki na nasa harap ko. Nag thumbs up siya sa akin at tumayo na siya na parang aalis na rin siya.
“Bukas magsisimula na tayo okay?” seryoso na yung mukha niya, “Pupuntahan na lang kita sa klase mo.”
So ganun ko nga nakilala si Sage, yung self-professed na matchmaker daw ng mga babae na-naheartbroken nga kumbaga. Hindi ko alam kung makatotohanan ba yung sinabi niya na kaya lang siya tumutulong sa mga babae na hanapin yung lalaki na para kanila eh dahil sa ayaw lang niya ng may mga heartbroken. Pero ganun pa man, totoo man o hindi, at least maganda pa rin naman yung hangarin niya ‘di ba?
In the long run, okay na rin yun.
Tinotoo naman niya yung sinabi niya. Nung sumunod na araw eh pinuntahan niya ako klase ko. Sinabi niya na bago daw niya ako isabak sa laban eh kailangan may pep talk muna.
“Kumabaga sa giyera, kailangan may plano ka muna. Kapag sumugod ka kaagad, malaki ang chance na matalo ka.” sinabi niya sa akin nung isang araw na nasa garden kami.
Ang daming-alam ni Sage. Kadalasan tuwing nagkikita kami, puro payo lang naman yung sinasabi niya sa akin para daw ma-improve ko yung sarili ko.
“Huwag kang mag-slouch! Idiretso mo yung likod mo para may class!”
“Chynna, punasan mo yang bibig mo! Para kang hindi babae!”
“Pag-aralan mo ‘to! Mas attractive ang babaeng matalino kaysa sa hindi. Ano ba naman itong 75 na ‘to? Sa susunod tataas na yan ha!”
“Chynna!” dito at “Chynna!” diyan ang lagi kong naririnig sa kanya. Panay sermon nga sa akin ni Sage eh. Lagi na lang niya akong pinapatawag doon sa upuan malapit doon sa field namin at ipapaalala niya sa akin kung ano yung nangyari nung araw na yun.
“Dito, dito mo iisipin kung gaano kasakit yung nangyari sa iyo.” Sabi niya sa akin, “The shoe didn’t fit you. Kaya hindi ikaw. Kaya ka nandito.”
Sumisikip yung dibdib ko nun sa mga sinasabi niya. Pero kahit ganun pa man, thankful pa rin ako na tinulungan niya ako dito sa mga payo a.k.a. parang boot camp ng mga heartbroken. Kumbaga, para siyang drill sergeant na nanghahasa sa akin para maging pino.
Para ako naman yung maging Cinderella.
Nung isa sa mga araw na may lesson daw kami eh sobrang tagal dumating ni Sage nun. Hindi naman siya madalas nala-late sa mga sessions namin pero ang tagal-tagal kong naghintay. Tinawagan ko pa siya kung may balak pa siyang dumating at sinabi niya sa akin na maghintay lang ako at may inasikaso daw siya. Huwag daw akong masyadong mainip dahil darating naman daw siya.
Nung medyo dumidilim na nun sa school eh saka ko nakita na tumatakbo si Sage. Pawis na pawis pa siya nun at basa na rin yung buhok niya. Saka ko napansin na inalis niya yung polo shirt niya kaya naman naiwan na lang yung t-shirt niya.
Tumatakbo siya nun sa direksiyon ko. Sobrang laki pa nun ng ngiti niya na makita ako. Parang ngiti ba ng isang lalaki para sa isang babae na pwede niyan magus--
“May nahanap na akong date para sa iyo.”
Yun ang una niyang sinabi sa akin. Hinihingal-hingal pa siya nun na parang hindi siya mapakali.
“Date?” tinanong ko naman siya.
“Oo date!” nilakasan niya yung boses niya, “Kaya nga tayo nagpa-practice dito lagi eh. Para maging ready ka sa mga magiging dates mo at mahanap mo yung lalaking para sa iyo.”
Parang nailang naman akong bigla. Ito pala yung sinasabi ni Sage sa akin na pagtulong niya. Mageensayo kami, tapos isasabak na niya ako sa giyera. Ganito pala yung pakiramdam nun.
Akala ko pa naman…
Ganun nga kung paano nagsimula yung pagsabak ko. Yung unang date ko nun eh hindi man lang nagtagal kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“Ahhh ikaw pala yung Chynna. Akala ko naman kung sino na.”
Ano namang isasagot ko doon? Kumbaga simula pa lang yung date, sinabi na niya sa akin na disappointed siya na ako lang pala yung makaka-date niya. Nakakasira naman sa ego yun.
Obviously, hinanapan ako uli ni Sage ng date. Pangalawa… pangatlo… pang-apat. Puro sermon ang inabot ko kay Sage kapag may session kami parati at sinasabi ko sa kanya kung anong nangyayari sa date at kung bakit hindi na ako tinatawagan nung mga lalaki na sini-set up niya sa akin.
“Ikaw naman kasi bakit ka naman kumain ng ganun karami?” tinanong niya sa akin nung sinabi ko sa kanya yung isang date ko.
“Eh nagugutom nga ako eh!” sagot ko naman sa kanya kaagad.
“Chynna, iisipin nun mas matakaw ka pa sa kanya!” sabi ni Sage sa akin, “Sa akin okay ka lang kumain ng ganun karami. Okay lang yun. Pero sa ibang tao?” tinuro niya yung paligid na para bang may tao din doon, “Mag pa-demure ka muna okay?”
So ayun. Sermon dito at sermon doon ang inabot ko sa kanya. Tawa lang siya ng tawa sa akin na parang natutuwa lang siya sa lahat ng kwento ko. Ako naman, natutuwa rin ako kay Sage dahil pinagtiyatiyagaan niya ako.
“Chynna ang laki ng braso mo…”
”Chynna hindi kita type…”
“Chynna, may iba na akong gusto…”
“Chynna” dito at “Chynna” doon na naman ang naririnig ko. Only this time, hindi kay Sage galing. Galing naman yun sa iba’t ibang lalaki na sinet-up sa akin ni Sage para maka-date ko.
Lahat sila hindi masaya. Lahat sila hindi ako ang hinahanap.
Walang may gusto sa ugly stepsister. Dahil ang ugly stepsister, walang happily-ever-after.
Kaya nga nung dumating na naman yung araw na yun, hindi ko na kinaya.
“Hey…” narinig ko yung boses ni Sage tapos hinawakan niya ako sa pisngi ko at pinunasan niya yung luha ko, “O-okay ka lang? May nangyari ba?”
Tinignan ko si Sage nun na parang concerned na concerned siya sa akin. Hindi ko na siya masyado maaninag dahil punung-puno na ng luha yung mga mata ko.
Hindi pa siya nakakapagsalita nun eh bigla na lang akong lumapit sa kanya at umiyak ako doon sa dibdib niya.
“T-twenty,”sabi ko sa kanya bigla.
“Huh?” hinimas-himas niya yung likod ko, “Anong twenty?”
“Twenty na yung dates ko na sinet up mo ko na pumalpak ako.” Humiwalay ako sa kanya para tignan ko siya sa mukha niya, “Twenty na walang may gusto.”
Kitang-kita ko na nag-iba yung mukha ni Sage sa akin. Nanahimik lang siya saglit na para bang hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa akin.
Dati-rati sa isa sa mga sessions namin, nabanggit niya na halos lahat ng tinulungan niya eh nakahanap ng lalaking nagkagusto sa kanila within three or four dates. Tapos ayun, okay na. Successful lahat ng tinutulungan ni Sage.
Tapos ako. Yung exception.
“S-sage a-ayoko na…” sinabi ko sa kanya habang umiiyak-iyak pa, “A-ayoko na g-gawin ‘to. Ayoko ng ipahiya yung sarili ko. Ayokong mapamukha sa akin ng mga lalaki na ako yung huling choice nila…” tinitigan ko siya nun na hindi naman niya binaling yung tingin niya sa akin, “Sage pagod na akong magmukhang tanga.”
Mukhang awang-awa si Sage sa akin nun. Hindi na rin siya mapakali doon sa kinauupuan niya. Bigla-bigla na lang siyang tumayo doon at lumayo ng kaunti sa akin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya… pero lumingon siya uli sa akin.
“No. I promised you I’ll find the guy for you…” narinig ko na sinabi niya, “I’m keeping that promise Chynna.”
Niyuko ko na lang yung ulo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“Chynna,” sinabi niya uli doon sa gilid, “Isa na lang. I have one more guy for you. Just try one more date. Isa na lang… wala namang mawawala sa iyo.” Hinawakan niya ako sa kamay ko, “Kapag hindi pa ito, hindi na kita pipilitin na makipag-meet doon sa mga lalaki.”
Pumayag ako sa sinabi ni Sage. Hindi ko alam kung anong balak niya at kung sino na naman yung ipapakilala niya. Ang sinabi lang niya sa akin eh i-meet ko daw yung isang lalaki na iyon sa isang restaurant na malapit doon sa school namin on a Friday evening. Sinabi niya na magsuot daw ako ng maganda dahil ito na daw siguro yung lalaking para sa akin.
He seemed to be overconfident na itong guy na ito ang para sa akin. I can’t help it. I just trusted him.
He prepared everything para sa akin at panay ang tawag niya sa akin nung dumating yung araw ng Friday. Kabadong-kabado ako nun. Siguro nga kinakabahan ako dahil alam ko sa sarili ko na huli na ito. Ito na yung huling pag-asa ko.
Pumasok naman ako sa loob nung restaurant. Kilala na ako kaagad nung receptionist dahil may reservation daw para sa aming dalawa nung ka-date ako at inaabangan na daw ako sa loob. Lalo kong naramdaman yung puso ko na walang hinay na tibok ng tibok sa sobrang kaba.
Nung naglakad na ako papunta sa table kung saan ako dinadala nung receptionist, nakita ko na may isang lalaki na naka dress shirt na nakatalikod. Ito na nga siguro yung date na sinasabi sa akin ni Sage.
T-teka… bakit parang may hawig din kay Sag--?
“Hi.”
Biglang humarap yung lalaki sa harapan ko. Kulang na lang eh matapilok ako sa sobrang gulat ko kung sino yung tambad sa akin.
Siya? Paano?
“Shane nga pala…” nakangiting pagkakasabi niya tapos hinila niya yung upuan para paupuin ako, “Chynna right?”
Umurong na yata yung dila ko. Ito yung ika-21 na date ko na sinasabi ni Sage? Si Shane?
Akala ko pa naman…
“You look very beautiful…” narinig ko na sinabi ni Shane as akin.
Yun na siguro yung pinakamagandang compliment na narinig ko in comparison sa dalawampung naka-date ko bago si Shane. Siya lang… siya lang yung nagsabi sa akin na maganda ako.
Dumating naman yung waitress at dinala yung kanina pa pinahanda ni Shane. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko siya. Hindi kaya dahil confident si Sage na ito na yung huli? Dahil si Shane?
Yung taong nagpa-heartbroken sa akin? Eh hindi ba may Cinderella na siya?
“Shane?”
Nakangiti lang na tumingin sa akin si Shane nung tinawag ko siya. Nagsisimula na siyang maghiwa nung steak na inorder.
“Ikaw ba talaga yung date na sinet-up sa akin ni Sage?”
Tumango-tango naman sa akin si Shane.
“Yeah ako nga.”
“Oh. A-akala ko lang kasi may girlfriend ka…”
Inexplain ni Shane sa akin na hindi na daw sila nung huling girl na nagustuhan niya. Dahil hindi ko na nakakahang-out yung bestfriend ko na yun simula nung magka-boyfriend siya na si Shane, hindi ko man lang alam na nag-break na pala sila.
Tapos ngayon…
“Alam mo sabi ni Sage baka ito na daw yung huling date ko…” sabi ko sa kanya.
“That’s good then.” Sagot sa akin ni Shane, “I want to be the last.”
Hindi ako mapakali nun. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
“K-kanina a-akala ko kasi…” humawak ako nun sa likuran ng ulo ko, “A-akala ko si Sage ka. Parehas kasi kayo ng buhok sa likod.”
Sumubo naman ng tinidor itong si Shane. Nakatingin lang siya sa akin at ngumuya. Nung nalunok na niya kung ano man yung kinain niya, saka lang siya nagsalita.
“You know what, everybody says that.” Nakangiti niyang pagkakasabi, “At alam mo rin, kung hindi ko lang alam na close friends kayo ni Sage, iisipin ko na may gusto ka sa kanya dahil puro si Sage na lang yung naririnig ko.” tumingin siya doon sa plato niya bago sa akin, “But it’s okay. Alam ko naman na close kayo ng kapatid ko. In fact, mabuti nga close kayo dahil napadali yung pagtanong ko sa kanya kung pwede ba niya akong ilakad sa iyo.”
Para akong nabingi sa sinabi niya. Ka…kapatid?
“Nung una nga ayaw pa niya.” Natawa niyang pagkakasabi sa akin, “Sabi niya, alagaan daw kita dahil sa oras na paglaruan lang daw kita, siya daw ang bubugbog sa akin.”
Nakaupo lang ako doon at nawalan na ako ng gana. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa ba itong date na ito.
Si Sage.
“I’m sorry Shane. I can’t do this.”
Inatras ko yung upuan ko nun at kinuha ko yung purse na dala-dala ko nung dumating ako. Narinig ko na lang na tinatawag ako ni Shane bumalik doon sa table namin pero hindi ko na siya nilingon. Bakit pa? Ano pang rason?
Naiiyak na ako doon sa ginagawa ko. Inalis ko yung high-heeled na sapatos ko para makatakbo ako ng maayos. Naglalabo na yung paningin ko.
Kakatakbo ko doon sa labas, saka ako may tinamaan at humawak sa magkabilang kamay ko.
“Chynna…”
Tinignan ko siya kahit hindi ko na siya masyadong makita. Si Sage. Nandito rin siya.
“Anong ginagawa mo dito ha?!? Niloloko mo ba ako???”
Nagulat siya sa tinanong ko. Mukhang na-caught off guard siya kaya napaatras siyang bigla sa akin. Nakatingin lang siya na para bang ito yung matagal na niyang iniiwasan pa.
“Chynna makinig ka,” mahinahon na pagkakasabi niya nung kumalma na ako ng kaunti, “Totoong tinutulungan ko yung mga babae. Mainly dahil sa mga nasaktan ng kuya ko…”
Nakatayo siya doon sa harapan ko habang ako naman eh naupo doon sa upuan. Nakatingin siya sa akin pababa at ako naman eh nakatingin sa kanya paitaas.
“Lagi kasi kitang nababanggit sa amin. I guess, he’s taken interest on the person na lagi kong kasama. So he asked for you…”
Huminto ako nun. Wala akong maisagot sa kanya.
“Alam ko na siya yung gusto mo. Anong laban ko naman doon?” tinanong niya sa akin bigla, “I’m ‘the other prince.’ Wala ring nagsusulat ng istorya tungkol sa akin ‘di ba?” madiin niyang sinabi sa kin, “As much as I didn’t like the idea of you dating my own brother, sige na lang. Ayaw kong masaktan ka… pero kung hindi mo pa nasusubukan… hindi mo naman malalaman ‘di ba?”
That made me mad. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi yun.
“Bakit hindi mo sundin yung sarili mong payo Sage?”
Huminga siya ng malalim at nagsimula siyang lumuhod sa harap ko. Kinuha niya yung backpack niya at may nilabas siya na isang sapatos doon sa loob ng bag niya.
“Kaya nga sumunod ako ‘di ba?” sabi niya sa akin ng mabilis. Kinuha niya yung isang paa ko at inilapag niya doon sa kandungan niya, “I realized I’m making you fit in the shoes na noon pa lang eh hindi na kasya. There’s no point wearing Cinderella’s shoes anymore…”
Sinuot niya yung isang sapatos sa paa ko na dala-dala niya. Naiyak na naman ako mag-isa doon sa kinauupuan ko.
“This is why I’m making you wear a bigger one. The one that’s yours, the one you can call ‘mine.’ ” Tumayo siya sa pagkakaluhod niya at humawak siya sa pisngi ko, “Your own ending.”
Hinila niya ako patayo at niyakap niya ako.
“This is why I came here. Para malaman ko kung kanino susukat yung sapatos...” humiwalay siya sa pagkakayakap niya at tinignan ako, “Then I found you.”
Saka na naman ako umiyak ng umiyak. Pero this time, hindi na dahil sa nasasaktan ako.
“You deserve your own happy ending ‘Ugly Stepsister.’” Natatawa niyang sinabi. “I can give you that if you choose to be with ‘The Other Prince.’ “
And that my friend was how I got my happy ending. Hindi ko naman pala kailangang ipagsisikan yung sarili ko kung hindi naman kasya.
It turned out? You don’t have to be Cinderella to have your own happy ending. All you have to do is find the shoe that is rightfully yours. Find that shoe that fits.
And when you do that? Well, you can honestly call it your own.